Sa iba’t ibang lalawigan sa bansang Pilipinas ay may kanya-kanyang tawag sa tradisyon na ito, panunuluyan, pananawagan at pananapatan. Ito ay isang pagsasadula ng paghahanap ng bahay na matutuluyan ni Maria at Jose mula sa malayong paglalakbay sa gitna na malamig na gabi. Si Maria ay kagampanan noon at naghahanap kung saan maaaring manganak, subalit wala man lamang sa kanilang magpatuloy sapagkat pawang ang mga bahay-panuluyan ay puno na. May mga nagtataboy sa mag-asawa at nagaalipusta. Hanggang sa makatagpo ng isang maliit na bahay, isang kulungan ng mga alagang hayop at ipinanganak ang Sanggol sa isang sabsaban.
Ang panunuluyan ay karaniwang ginagawa sa kalsada, naglalakad ang mga tagapag-ganap na Jose at Maria. Kung minsan, si Maria ay nakasakay sa isang kalabaw o kabayo. Sila ay tatapat sa isang tahanan at mananambitan sa pamamagitan ng mga awitin, sasagot naman ang mga nasa bahay na pa-awit rin. Mga tatlong bahay ang kanilang daraanan. Hanggang sumapit sa loob ng Simbahan kung saan may naka-gayak na Belen at doon sila tutuloy upang ipanganak ang sanggol. Ang palabas ay tatapusin sa pagdiriwang ng Misa ng Bisperas ng Pasko.
Noong bata pa ako, hindi ko pinalalampas na panoorin ang panunuluyan at talagang inaabangan ko ang Misa sa Bisperas ng Pasko, sapagkat sa Misang yaon ay may malaking parol na pinalilipad sa loob ng simbahan at tatapat sa may altar kung saan ang belen ay nakalagay.
Friday, December 24, 2010
Christmas is Christ's love
Friday, May 7, 2010
Mother's Day
BLESSINGS FOR MOTHER'S DAY
Loving God,
thank you for the love of the mothers you have given us,
whose love is so precious that it cannot be measured,
whose patience seems to have no end.
May we see your loving hand behind them and guiding them
We pray for those mothers who fear they will run out of love, or time, or patience.
We ask you to bless them with your own special love.
We ask them in through Christ, our Lord. Amen
Subscribe to:
Posts (Atom)